Ni: Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Fil Oil Flying V Center)

8 n.u -- UST vs San Beda (men’s)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

10 n.u. -- La Salle vs UP (men’s)

4 n.h. -- FEU vs Jose Rizal (women’s)

6:30 n.g. -- Lyceum vs San Sebastian (women’s)

NAIPAGPAG ng Adamson University ang matinding pagkasa ng St. Benilde, gayundin ang tila career-ending injury ng top hitter na si Jemma Galanza, para maitarak ang 25-19, 25-20, 25-17 panalo at maangkin ang unang semifinal berth sa Group B ng Premier Volleyball League (PVL) Collegiate Conference sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Napag-iwanan pa ang Lady Falcons sa second frame bago nakabalikwas at makuha ang set bago dinomina ang third frame upang madagit ang panalo.

Ang panalo ang ika-apat na sunod para sa San Marcelino-based squad na nagbigay sa kanila ng unang Final Four seat ng two-division tournament na inorganisa ng Sports Vision.

Ngunit, may agam-agam sa bench ng Lady Falcons bunsod ng injury sa tuhod ni Galanza na binuhat palabas ng court sa stretcher at kaagad na isinugod sa ospital. Sa huling report, walang major injury ang player.

Nagtapos na topscorer para sa Adamson si Christine Soyud na may 18 hits kasunod si May Permentilla na may 10 puntos habang nakapag -ambag pa si Galanza ng 9 na puntos.

Ang kabiguan ang ika-4 na sunod naman para sa St. Benilde na nagbaba sa kanila sa ilalim kasalo ng Technological Institute of the Philippines.

Nauna rito, winalis ng National University ang Jose Rizal University , 25-11, 25-1, 25-23, para makasiguro ng playoff berth para sa Final Four slot sa Group A.

Nanatiling walang talo ang Lady Bulldogs matapos ang apat na laro.