Nina Vanne Elaine P. Terrazola, Leonel Abasola, at Rommel P. Tabbad

Pinangalanan ni John Paul Solano, isa sa mga pangunahing suspek sa pagpatay sa hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo III, ang anim na miyembro ng Aegis Juris fraternity na sangkot sa hazing.

John Paul Solano inside the Manila Police District Homice Section custodial facility. Solano, one of the primary suspects in the death of Horacio Castillo III, was charged with murder, perjury, obstruction of justice, robbery, and violation of anti-hazing law.
John Paul Solano inside the Manila Police District Homice Section custodial facility. Solano, one of the primary suspects in the death of Horacio Castillo III, was charged with murder, perjury, obstruction of justice, robbery, and violation of anti-hazing law.

Sinabi kahapon ni Senador Miguel Zubiri na isiniwalat sa kanila ni Solano ang pagkakakilanlan ng mga miyembro ng fraternity na nasa initiation rites.

Mga Pagdiriwang

#BalitaExclusives: Bentahan ng ilang Divisoria seller, ‘merry’ pa rin kahit medyo lugi

“Maganda ang nangyari dun sa executive session dahil ibinunyag n’ya yung nangyari at nag-tell all siya sa amin…He named at least six frat members and mahalaga ‘yan sa imbestigasyon and he mentioned a lot of details,” pahayag ni Zubiri sa ambush interview.

Aniya, sa isiniwalat ni Solano ay naging malinaw ang pagkakasangkot ng nasabing mga miyembro ng fraternity sa pagkamatay ni Castillo. Idinagdag niya na kumbinsido sila na nagsasabi ng totoo si Solano.

“Very heavy ang mga information, mabigat nag mga impormasyon na ibinigay niya para sa kasong ito and makakatulong ito sa MPD to solve the case,” aniya.

KINAKANLONG NG SENIOR MEMBER

Posibleng tinutulungan ng isang senior Aegis Juris member ang mga mas nakababatang fraternity member na sangkot sa pagpatay kay Castillo, ayon kay Manila Police District’s (MPD) Chief Superintendent Joel Coronel.

Sa unang pagdinig sa kaso ng pagpatay sa 22-anyos na University of Santo Tomas (UST) student nitong Lunes ng gabi, sinabi ng MPD na pinag-aaralan na nila ang mga ulat na ang mga opisyal at miyembro ng Aegis Juris fraternity ay tinutulungang magtago at pinipigilang makialam ng ilang senior member.

“We have received reports that officers and members involved in hazing were coddled by a senior member,” sinabi niya sa Senate public order and dangerous drugs committee na nagsagawa ng hearing.

Tumanggi si Coronel na magbanggit ng pangalan. Ngunit nang tanungin ni Senador Grace Poe, vice chair of the public order panel, na kung naroroon sa hearing ang “senior member”, nag-atubili si Coronel at sinabing “no direct evidence,” dahilan upang maniwala ang mga senador na naroon nga ito.

Dumalo si UST Faculty of Civil Law dean Atty. Nilo Divina, na umaming miyembro ng Aegis Juris, sa pagdinig. Katabi niya ang iba pang miyembro ng Aegis Juris partikular na sina UST faculty Secretary Atty. Arthur Capili, faculty member Atty. Irvin Fabella, at Atty. Paterno Esmaquel, legal counsel ng pangunahing suspek na si John Paul Solano na sumuko kamakailan.

Gayunman, pinabulaanan ng apat na abogado na may kinalaman sila sa hazing at sinabing hindi na sila aktibo sa fraternity.

PAGLABAG SA HUMAN RIGHTS

Itinuturing ng Commission on Human Rights (CHR) na isang uri ng karahasan ang sinapit ni Castillo.

Ayon kay Atty. Diana de Leon ng CHR, paglabag ito sa karapatang pantao na dapat malaya sa anumang kalupitan.

Aniya, saklaw din nito ang paglabag sa konstitusyon, maging sa international laws dahil may namatay sa hazing.