Ni: Fer Taboy

Nagdiwang ng misa si Fr. Chito Suganob nitong Linggo sa Camp Aguinaldo, ang una matapos siyang makalaya sa kamay ng teroristang Maute Group sa Marawi City, Lanao del Sur.

Sinabi ni Joint Task Force Ranao, deputy commander Col. Romeo Brawner na 40 militar at sibilyan ang dumalo sa misa na maituturing ding selebrasyon matapos malagay sa panganib ang buhay ni Fr. Suganob sa loob ng apat na buwan na siya bihag ng mga terorista.

Ayon kay Fr. Suganob, ang misa ay pasasalamat din para sa lahat ng 1,730 buhay na nailigtas ng mga puwersa ng pamahalaan sa Marawi City. Dalangin niya na muling makapag-misa sa St. Mary’s Cathedral sa Marawi City pagkatapos ng digmaan.

Tuesday Vargas, bumwelta matapos sabihang 'boba'