BILANG patunay sa hangarin ng pamahalaang Duterte na ‘Sports For All’, ipinahayag ng Philippine Sports Commission (PSC) na kabilang ang grupo ng indigenous peoples (IP) sa Mindanao sa pinalawak na sports development program sa ilalim ng Philippine Sports Institute (PSI).

ramirez copy

Sinabi ni PSC Chairman Willaim ‘Butch’ Ramirez na ilalarga ng PSI ang Sports Mapping Action Research Talent Identification (Smart ID) testing bago matapos ang taon upang mailagay sa tama ang lahat batay sa programa ng ahensiya.

“I enjoin PSC to widen its scope and recruit nationwide. Look for them in non-traditional places and include members of the indigenous tribes and the out-of-school youth. Let’s give them a chance to hone their talents and live up to their fullest potentials,” pahayag ng Pangulong Duterte sa kanyang mensahe sa ginanap na pagbibigay ng cash incentives sa mga medalist na nakalipas na 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Kaagad na inatasan ni Ramirez ang PSI, sa pamumuno ni National director Marc Velasco at deputy national training director Henry Daut, survivor sa naganap na Marawi City seige, na mas palakasin ang pagsasagawa ng coordination meeting, seminars at training sa mga lalawigan sa buong bansa.

Iginiit naman ni Velasco na sa pagtatapos ng dalawang araw na PSI coordinators meeting kamakailan sa Philsports Complex Dorm G Lecture Hall in Pasig City, may kabuuang 200 Physical Education (PE) educators mula sa Department of Education (Deped) ang nasanay na para magsagawa ng Smart ID testing.

Sinabi naman ni Daut na ang mga naturang trainers ay sumailalim sa masusing pagsasanay batay sa programa ng Smart ID train the trainers program ng Sports Mapping Action Research for Talent Technical Experts and Manpower (Smart Team).

Kabilang sa mga nasanay ay mula sa Cebu City (57), Puerto Princesa (60), Vigan (60) at Mindanao (35).

“We will have mapping this this year, identify schools and areas where we could conduct the testing. We will have the random testing first and we will start with the IPs, identifying which tribes from particular areas. Hindi na tayo sa cities, doon tayo sa mga probinsya, mga liblib na lugar,” pahayag ni Daut, kasabay nang pahayag na kabilang ang Ata-Manobos ng Talaingod, Davao del Norte sa isasagawang programa.

Naisulong na rin ang talent ID testing para sa mga out-of-school youth, sa pakikipagtambalan sa local government units (LGUs), gayundin sa mga estudyante sa tulong ng Department of Education (Deped).

Nakatakdang sanayin ang mga mapipisil na kabataan sa regional training centers na affiliated ng PSC tulad ng Davao del Norte, Leyte at Vigan upang hindi na kailangan pang ilayo sila sa kanilang pamilya.

Ayon kay Ramirez, patuloy ang paglilibot at pakikipag-usap nila sa mga LGU upang matukoy ang iba pang regional training centers na magagamit ng mga kabatang Pinoy.

“Focus lang tayo sa grassroots. Identify lang tayo ng atleta at paaralin natin at alagaan natin. We need to identify focus sports to maximize limited resources. As the PSC Board craft policies, you are the ones on the ground. You play a vital role to this collaboration,” pahayag ni Ramirez.

“We are being recognized in the whole world, by Unesco, because of the Children’s Games. We should take pride in that,” aniya.