Ni NORA CALDERON
PABORITO ni Maine Mendoza ang dagat. Kaya kahit Sunday ang family day niya, hindi siya tumanggi para pumunta ng Leyte nitong nakaraang Linggo. Madaling pumayag si Maine dahil bukod sa trabaho iyon at sa Biliran Island sila pupunta, kasama ang Eat Bulaga production.
Ayon sa balitang natanggap namin, ang shoot doon ay gagamitin sa OBB (Opening BillBoard) para sa darating na “Miss Millennial Philippines 2017 Grand Coronation Day” na magaganap sa Sabado, September 30, sa Mall of Asia Arena. Nauna nang pumunta si Alden Richards sa Batanes Islands naman noong Tuesday, September 19, para rin sa beautiful tourist spots doon.
Bago nga humapon, nag-post na si Maine ng kanyang Instagram story na naka-pose siya sa ibabaw ng isang motorized banca habang inihahanda ang kanyang shoot. Maging ang Biliran Island tourism ay nag-post ng mga eksena ni Maine sa kanilang lugar.
May post si Maine na kita ang napakalinis na blue-green na dagat at dinig ang boses niya na, “Maldives, charot!”
Tiyak na ang naalala niya ay ang bakasyon niya sa Maldives a few months ago. Kaya lang, mukhang hindi siya nakapag-swimming, wala siyang post nakalublob siya sa dagat. Pero nag-post din siya ng magandang langit na may caption na, “pink skies” dahil kulay pink ang langit na naghalo na ang kulay ng lumubog na araw at papadilim nang gabi. May nag-post namang fans ni Maine na nanghinayang na hindi nila nalaman na darating pala roon ang kanilang idolo.
Mukhang isa ito sa mga aabangan ng televiewers sa live special presentation ng Eat Bulaga para sa “Miss Millennial Philippines 2017”.
Sino kaya ang mananalo among the 38 representatives ng bawat lugar sa ating bansa at magkakamit ng P500,000 cash, brand new Montero SUV Mitsubishi, at condominium unit from Bria? Aling province o city naman kaya ang tatanggap ng P1M dahil sa pagsuporta at pagbabayanihan nila sa kanilang representative at gagamitin ito para mapaunland pa ang bayan o province nila at ang representative nila ay tatanggap din ng one hundred thousand pesos?