Ni: Entertainment Tonight

HINDI nagpapabaya si Jennifer Lopez sa kanyang panlipunang tungkulin upang matulungan ang mga biktima ng hurricane sa Puerto Rico at Caribbean.

Jennifer copy

Nitong nakaraang Linggo, nagsalita ang star sa press conference tungkol sa pagkawasak ng isla, at ibinahagi ang kanyang personal na kaugnayan sa pagkawasak. Inihayag din niya na magbibigay siya ng $1 million sa relief efforts, at magsisilbing co-chair ng Empire State Relief & Recovery Effort. 

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“My cousin and I and our family still haven’t been able to hear from all of our family over there and we are concerned for them and everyone on the island,” aniya, bago ipinakilala si New York Governor Andrew Cuomo.

Ang boyfriend ni Lopez na si Alex Rodriguez ay nakikipagtulungan din sa paglikom ng pondo ng superstar.

“Alex Rodriguez and I, who are both New Yorkers, are utilizing all of our resources and relationships in entertainment, sports and business to garner support for Puerto Rican and Caribbean relief efforts,” pahayag niya sa press conference.

Nakikipagtulungan din sa kanya ang dating asawang si Marc Anthony upang madalhan ng tulong ang mga biktima.

“With Marc Anthony, we are spearheading additional relief efforts and organizing the Latino community of artists and athletes to rush the relief that our brothers and sisters in Mexico, Puerto Rico and the Caribbean desperately need,” aniya. 

“We’re working with Mark Cuban and Jose Barea,” dagdag pa niya. “We have two team planes filled with supplies and generators awaiting air clearance to depart, land and unload these much-needed supplies in San Juan. And I will be donating $1 million from the proceeds of my Las Vegas show to the designated beneficiary charitable and NGO organizations.”

Naging bukas ang World of Dance star tungkol sa kanyang mga ginagawang pagtulong, at hinikayat ang fans, sa pamamagitan ng Instagram, na mag-donate rin.

“Today, Puerto Rico needs our help. I urge you to support and donate to the efforts of the First Lady of Puerto Rico, Beatriz Areizaga,” post niya noong Huwebes. “Together we can help rebuild our island, and the Caribbean.”