Ni REGGEE BONOAN

PRESSURED ngayon si Iñigo Pascual. Maglalabas siya ng dalawang awiting pangmasa na mala-Dahil Sa ‘Yo na ilang buwan nang nasa Top 20 ng Billboard Ph at isang English song para naman sa mga sosyal.

IÑIGO copy

Pressured ang binatilyo dahil malaki ang expectation sa kanya simula nang maging big hit ang Dahil Sa ‘Yo na paboritong patugtugin ngayon sa lahat ng radio stations, AM man o FM, at higit sa lahat ay ginawa pang Zumba music.

BALITAnaw

Ogie Diaz, pinagsabihan si Mark Fernandez nang makita 'bird' ng aktor

Yes, Bossing DMB, may nag-upload sa YouTube ng awiting ito na ang titulo ay “Dahil Sa’yo Live Love Party Zumba Dance Fitness” na may 3.1M views na.

Nakaka-LSS (last song syndrome) naman talaga ang Dahil Sa ‘Yo ng binatilyong anak ni Piolo Pascual.

Heto pa, bukod sa kaliwa’t kanang shows dito sa bansa, andami ring imbitasyon kay Iñigo para mag-conc ert sa ibang bansa. Kaya hilong talilong ang management niyang Cornerstone Talent Company sa pag-aayos ng schedule niya.

May mga offer na rin sa kanya para gumawa ng pelikulang pang-teenager at pang-international release at may isa ring indie film.

Of course, proud na proud si Piolo dahil may sarili nang career at identity ang anak. Sabi nga niya, mas busy pa si Iñigo kaysa sa kanya, na totoo naman.

In fairness to Piolo, in-introduce lang niya ang anak niya at nagtuluy-tuloy na ang career nito sa acting, singing, dancing at hosting.

Ganu’n talaga kapag may talent, kapag naipakilala na ay kusa itong aalagwa lalo na kung may masa appeal pa.

Hindi na kami magbabanggit ng mga anak ng mga artista na makailang beses nang ipinu-push pero waley pa rin. Kasi ‘yung iba, hindi ganu’n ka-talented o hindi abot ng masa at higit sa lahat nagiging copycat lang ng magulang nila.

I’m sure tuwang-tuwa rin ang nanay ni Iñigo na hindi na nag-asawa dahil mas ginustong ibuhos na lang ang kanyang buong atensiyon at panahon sa anak.

‘Kita naman ang epekto, lumaking matinong bata ang bagets.