Ni: Marivic Awitan

SA unang pagkakataon, sa loob ng pitong taon magmula ng lumahok ang kanilang prangkisa sa PBA, makakatikim bilang No.1 seed sa playoff ang Meralco Bolts.

Nakamit ng Bolts ang top seeding matapos nilang ungusan ang San Miguel Beer, 104-101, sa pagtatapos ng elimination round ng 2017 PBA Governors Cup nitong Linggo sa Araneta Coliseum.

Ang panalo na nagbigay din sa kanila ng bentaheng twice -to-beat ay ang una nilang panalo kontra Beermen makalipas ang anim na conferences.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“It’s a big win for the Meralco program,” pahayag ni Meralco coach Norman Black na nagawang maging title contender ang Bolts matapos ang takeover mula kay coach Ryan Gregorio noong 2014.

“I think it’s probably the first time we finished number one at the end of the elimination round.”

“Now it’s on to the playoffs where things are a little more difficult,” aniya.

Gayunpaman, saglit lamang ang selebrasyon para sa Bolts dahil agad ding ibabaling ng koponan ang focus sa darating na playoffs kung saan makakatunggali nila ang Blackwater .

“The focus now is just to prepare for Blackwater, because we know they’ve played very well this conference and have one of the best imports [in the league],” ayon pa kay Black.