Ni: Argyll Cyrus B. Geducos

Sinabi ng Malacañang na tinanggihan ng Pilipinas ang 44 na rekomendasyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) sa bansa kaugnay sa extrajudicial killings (EJKs) upang panindigan ang independent foreign policy ng bansa.

Ito ay matapos i-adopt ng 47-miyembrong UNHRC ang Third Philippine Universal Periodic Review (UPR) Report sa 36th Regular Session sa Geneva nitong nakaraang linggo.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, sa Mindanao Hour/Bangon Marawi press briefing kahapon ng umaga, na nagpasya ang Pilipinas na tanggapin ang 103 sa 257 panukala na natanggap nito mula sa mga miyembro ng UN matapos ang masusing pag-aaral.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“The Philippines has committed to fully accept 103 out of the 257 recommendations that we received during the Third Philippine Universal Periodic Review in Geneva,” iniulat ni Abella.

Isa sa 44 rekomendasyon na ibinasura ay ang hirit ng Ghana sa Pilipinas na papuntahin si UN special rapporteur on EJKs Agnes Callamard sa Pilipinas para imbestigahan ang mga sinasabing pagpaslang bunsod ng drug war.

Ayon kay Abella, ang pagtanggi ay nangangahulugan lamang na mayroong mga limitasyon na hindi dapat panghimasukan.

“It is all part of our prerogative to exercise independent foreign policy,” aniya.

“The UN has accepted what we’ve sent. However, it’s just that we maintain that there are certain parameters that need not be infringed upon,” dagdag niya.

Sa kabila ng pagbasura sa 44 rekomendasyon kaugnay sa diumano’y EJKs, muling iginiit ni Abella na bukas ang Pilipinas na magkaroon ang UN ng opisina sa bansa at sumama sa anti-illegal drugs operations ng pulisya.