Ilulunsad ni Pope Francis ang “Share the Journey” migration campaign ng Caritas Internationalis sa Rome, Italy, sa Miyerkules.

Ayon kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, pangulo ng Caritas Internationalis, sa pamamagitan ng “Share the Journey” ay tuturuan ng simbahan ang mga tao na makipag-ugnayan sa mga tunay na migrante, alamin ang kwento ng kanilang buhay, bakit nila nilisan ang kanilang tirahan, at kung ano ang nangyari sa kanilang paglalakbay.

“This time of greater interconnection is an invitation to each and every one of us to look at how we can be more united,” anang Tagle.

Layunin ng dalawang-taong kampanya ng “Share the Journey” na mapalaganap ang kamalayan, maitaguyod at palakasin ang ugnayan ng mga migrante, refugee at komunidad.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ito ang tugon ng Caritas sa panawagan ng Santo Papa na palaganapin ang “Culture of Encounter” o ang pakikipagtagpo at pakikipamuhay sa mga taong higit na nangangailangan ng pagkalinga. - Mary Ann Santiag