Hinimok ng mga opisyal ng Quezon City ang mga motorista at ang publiko na iwasan ang magbigay ng limos sa mga pulubi at iabot na lamang ang kanilang mga donasyon sa mga mapagkakatiwalaan at lehitimong charitable institutions.
Inilabas ang panawagan matapos maobserbahan na dumarami na naman ang mga namamalimos sa kalye, at ang ilan ay nakikipagpatintero sa mga sasakyan sa kalsada na lubhang mapanganib.
Tatlong buwan bago ang Kapaskuhan, nakatanggap ng reklamo sina Councilors Victor Ferrer Jr., Allan Francisco at Eufemio Lagumbay na maging ang mga indibiwal na maayos naman ang pananamit ay nag-aabot ng mga sulat sa mga kalye, fast-food chains at sa loob ng mga shopping malls para manghingi ng donasyon.
Partikular na pinuna ni Ferrer ang mga namamalimos na ginagamit pa ang mga bata kahit na malakas ang ulan o matindi ang sikat ng araw.
“It is very deplorable, month-old babies being used by beggars to get alms? How terrible,’’ anang Ferrer. - Chito A. Chavez