MEXICO CITY (AFP) – Naghasik ng takot sa mga taga-Mexico City ang panibagong lindol nitong Sabado, dahilan para sandaling matigil ang rescue operations para sa mga nakaligtas sa mas malakas na lindol nitong nakaraang linggo na sumalanta sa kabsera.

Ang bagong lindol, nasa magnitude 6.1, ay mas maliit at malayo sa katimugan kaysa 7.1-magnitude na tumama noong Martes, na ikinamatay ng mahigit 300 katao at ikinawasak ng 39 gusali sa kabisera.

Ngunit nang tumunog ang alarma, daan-daang residente ang nagtakbuhan sa gitna ng kalye, ang iba ay nakapaa, at bitbit ng ilan ang mga bata. Bakas sa kanilang mga mukha ang trauma ng nakaraang lindol.

“Oh God, have mercy,” sigaw ni Teresa Martinez, 74, na tumakbo sa kalye. Nakatayo siya kasama ang ilang kababaihan, na pawang umiiyak.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Sa tala ng US Geological Survey, ang bagong pagyanig ay nasa 6.1 magnitude. Tumama ito 12:53 GMT at nakasentro may 18 kilometro sa timog silangan ng lungsod ng Matias Romero, sa katimugan ng estado ng Oaxaca.