Titiyakin ng administrasyong Duterte na mabigyan ng malinis at maiinom na tubig ang 105 milyong Pilipino.

Kumikilos ngayon ang Kamara upang magtatag ng isang departamento na hahawak sa water resources management sa bansa.

Nagbabala ang World Resources Institute na posibleng maharap ang Pilipinas sa isang “bleak potable water and sewerage scenario” o kakulangan ng malinis at maiinom na tubig.

Dalawang panukalang batas tungkol sa tubig ang inaayos sa Kamara ng isang technical working group (TWG) upang magtatag ng isang departamento para sa pangangasiwa ng water resources.

National

PBBM, pinahahanap student athletes na nag-wacky ng mukha sa speech niya

“A sound management of the country’s water resources is a legislative priority of the Duterte administration to ensure Filipinos’ access to safe, clean and affordable drinking water, as well as proper sanitation services and facilities,” saad ng panukala. - Bert de Guzman