Nagsagawa kahapon ng dry run convoy ang mga pulis, sa pangunguna ng Police Regional Office Region 3, bilang paghahanda sa nalalapit na 31 ASEAN Summit Leader, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ayon kay NCRPO Spokesperson, Chief Insp. Kimberly Molitas, sinimulan ng PRO Region 3 at ng NCRPO ang dry run convoy mula Clark hanggang Balintawak, bandang 8:00 ng umaga.

Ito ay bilang parte ng paglalatag at paghahanda ng seguridad sa bahagi ng North Luzon Expressway (NLEx) at Subic-Clark Tarlac Expressway (SCTEX) para sa gaganaping summit.

Pansamantalang hindi pinayagan ang mga sasakyan at pinatigil muna sa pagdaan sa mga nasabing kalsada upang bigyang-daan ang convoy. - Bella Gamotea

National

4.8-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Sur