Ni NITZ MIRALLES

NATUWA ang mga nakabasa ng post ni Ogie Diaz sa Facebook na nagkita, nagkabati at nagkuwentuhan sina Aiko Melendez at Ara Mina sa burol ni Richard Pinlac.

Aiko at Ara copy

Sabi ni Ogie, “Past is past. The important is now. Nice to see them na tsikahan nang tsikahan. All is well that ends well. #Nice. Sa burol pa talaga nangyari? Hehehe.”

Trending

MMDA, nakaka-relate na kay Rendon Labador?

Matatandaan na nagkaroon ng away sina Ara at Aiko dahil sa love triangles sa personal na buhay nila ilang taon na ang nakararaan.

Nag-post si Ara ng picture nila ni Ako at nilagyan ng caption na, “It was nice seeing you @aikomelendez.”

Positive ang comments ng common friends ng dalawa pati followers ni Ara, pinakapanalo ang comment ng brother ni Ara na si Macky Mathay na, “ONE QC! I am genuinely happy for the both of you” at sinundan ‘yun ng comment ni Sunshine Cruz na, “Love you both!!!”

Aiko posted the same picture sa social media account niya at may caption na, “So good to finally catch up with you after so many years! Hang out soon:).”

Ang ganda naman talaga kapag walang nag-aaway sa showbiz at lahat sila magkakaibigan. Siguradong pati ang exes nilang sina Jomari Yllana at Bulakan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.