Ni MARY ANN SANTIAGO

Kinumpirma ni Manila Police District Director Police Chief Supt. Joel Napoelon Coronel na nakatanggap sila ng impormasyon na ilang alumni members ng Aegis Juris at ng Regina Juris ang nakasaksi sa initiation rites kay Horacio “Atio” Castillo III.

Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi muna pinangalanan ni Coronel ang mga alumni, ngunit tiniyak na tinutugis na ang mga ito.

“Our information showed to us that there are also alumni members present during the initiation rites so we are going after them if we can establish their involvement in the hazing incident. There are also reports that members of their sorority, Regina Juris, were present during that initiation rites,” ayon kay Coronel.

National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm

‘FACE OFF’ ‘DI NATULOY

Nagtungo kahapon sa Manila Police District (MPD) headquarters ang mga magulang ni Castillo upang makaharap at makausap si John Paul Solano, isa sa pangunahing suspek, hinggil sa pagkamatay ng kanilang anak.

Gayunman, bigo ang mag-asawang sina Horacio Castillo, Jr. at Carminia Castillo na makausap si Solano dahil tumanggi ang huli sa kawalan ng abogado.

“I just like to inform our friends from the media that around 11:00 in the morning, the parents of hazing victim, Horacio Castillo III came here at the Manila Police District. Number one to confer with us regarding the status of the investigation of the case. The parents, Mr. Horacio Castillo and his wife also would like to speak with the suspect, John Paul Solano,” ani Coronel.

“They would want to talk to him, harapin sya, sabi naman ni Mr. Solano is ‘wala po yung lawyer ko dito’ apparently that’s the advice of his lawyers na dapat present sila. So, hindi sila nagkita.”

“…he (Solano) requested that he will just wait for the lawyers. Hindi na nahintay nila Mr. and Mrs. Castillo yung lawyer ni John Paul Solano kasi they have to attend to other matters,” ani Coronel.

ANTONIO TRANGIA, SUSUKO

Kinumpirma rin ni Coronel na marami nang suspek, isa na rito si Antonio Trangia na isa rin sa mga itinuturing na pangunahing suspek sa pagpatay kay Castillo, na nagpadala ng surrender feeler.

“I understand that he has send feelers already to facilitate his surrender and even to surrender the vehicle that has been used. Hopefully within today until tomorrow, before the senate hearing, he’ll be appearing here to clarify his participation or involvement. Otherwise, he’s still considered a principal suspect as of now,” ani Coronel.

RALPH TRANGIA IDEDEKLARANG ‘FUGITIVE FROM JUSTICE’

Nilinaw naman ni Coronel na wala pa silang manhunt na inilunsad sa Estados Unidos para kay Ralph Trangia at sa ina nito.

Gayunman, aniya, inalerto na ang counterpart na mga pulis at Federal Bureau of Investigation (FBI) sa Chicago sa posibilidad na matunton ang kinaroroonan ng mag-ina.

“We have already alerted our counterparts here. Meaning, the homeland and the FBI regarding the possibility of locating and tracing the wherabouts of Trangia. And I will just furnished them a copy of the cases that we’ll be filed against him, so that we can declared a ‘fugitive from justice,” ani Coronel.