Nangangailangan ang Philippine National Police (PNP) ng karagdagang 5,000 tauhan para sa Special Action Force (SAF) fighting unit.

Ang pagkuha ng mga karagdagang tauhan ng SAF ay bahagi ng pagsisikap na palakasin ang kakayahan sa pakikipaglaban ng puwersa ng pulisya para supilin ang kriminalidad, terorismo, rebelyon at internal threats, sinabi ni Chief Superintendent Rolando B. Felix, regional director ng Northeastern Mindanao Police Regional Office 13 (PRO 13) kahapon.

Ayon sa police chief ng rehiyon, isa ring SAF trooper, talagang nangangailangan ang SAF ng 5,000 magigiting na tauhan mula sa buong bansa.

“As of today, only 2,000 have filed their application,” aniya.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ang mga interesadong aplikante ay maaaring magsumite ng kanilang aplikasyon sa PRO 13 headquarters sa Camp Rafael C. Rodriguez, Butuan City o magparehistro sa pamamagitan ng PNP Online Recruitment Application System (PNP ORAS).

Ang mga kwalipikadong aplikante ay sasalang sa public safety basic recruit course sa loob ng anim na buwan sa National Training Institute sa Laguna at karagdagang anim na buwan para sa field training program. Pagkatapos nito, sasailalim sila sa SAF Commando bilang foundation course sa loob ng anim na buwan, dagdag niya. - Mike U. Crismundo