Asahan na ang pagtaas ng presyo ng langis ngayong linggo.

Sa pagtaya ng oil industry, posibleng tumaas ng 10 hanggang 15 sentimos ang presyo ng bawat litro ng diesel, bunsod ng pagtaas ng presyuhan sa pandaigdigang pamilihan.

Wala namang nakikitang paggalaw sa presyo ng gasolina at kerosene.

Nitong Setyembre 19, napurnada ang inasahan ng mga motorista na kakarampot na oil price rollback matapos hindi ito ipatupad ng mga kumpanya ng langis.

Pelikula

Vice Ganda, inihalintulad si Robredo sa kaniyang karakter: <b>‘Ikaw ang naging breadwinner nating lahat’</b>

Dahil sa ilang linggong sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo, humirit ang ilang jeepney transport group sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na gawing P10 ang minimum na pasahe mula sa kasalukuyang P8. - Bella Gamotea