Ni: PNA

NAGTIPUN-TIPON ang mga pangunahing health official sa katimugang bayan ng Quezon sa Palawan upang imbestigahan ang hinihinalang diarrhea outbreak na nakaapekto sa 727 residente simula noong Hulyo, at sinasabing dahilan ng pagkamatay ng apat na katao.

Kinumpirma ni Dr. Allan Paciones, ng Municipal Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Quezon, na nasa kanilang lugar ang mga kinatawan ng Department of Health (DoH) upang siyasatin ang mataas na bilang ng kaso ng pagtatae, na naitala sa halos lahat ng 14 na barangay sa munisipalidad.

Ayon sa mga inisyal na report na natanggap ng mga lokal na mamamahayag ng Quezon, pinaghihinalaang nagsimula ang pagkalat ng sakit noong Hulyo, na mayroon lamang iilang kaso ngunit biglang lumobo sa 727.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Kahit na ang mga sinasabing may mga indikasyon na mula sa bacteria sa tubig ang dahilan nito, ang karamihan ay mga parasitiko sa bituka na inaatake ang circulatory system sa pamamagitan ng gilid ng digestive tract.

Sinabi ni Quezon Mayor Joselito Ayala na kahit na kailangan pa itong kumpirmahin ng DoH, nalapatan na ng lunas ang mga naapektuhan.

Nang tanungin tungkol sa mga kaso ng pagkamatay, tumangging magbigay ng kumpirmasyon ang alkalde dahil wala pa ang resulta ng pagsisiyasat ng grupo mula sa DoH.

Inihayag naman ni Eden Cascara, kawani ng MDRRMO, na marami sa mga pasyenteng nakapanayam ay nagsabing nagsimula silang magtae matapos kumain ng shellfish na hinango sa baybayin.

“The others said that their stomach started hurting after they ate crabs, shrimps and shells,” ani Cascara.

Kahit wala pang kumpirmasyon, inihayag sa isang report na ang isa sa mga nabiktima ng sakit ay isang pastor na isinugod sa ospital dahil sa labis na pagtatae, matapos umuwi mula sa dinaluhang kasal.

Namatay umano ang pastor habang nilalapatan ng lunas sa ospital sa nasabing bayan.

Ayon naman kay Dr. Rommel Lisan, pangulo ng Environmental and Occupational Health ng DoH, na magsasagawa sila ng water sampling tests upang matukoy ang eksaktong dahilan ng umano’y outbreak.

“It can be caused by bacteria, amoeba or a case of food poisoning. We really need to investigate, and if local laboratories cannot do the test, they should have come to us,” aniya.

Samantala, nagpamudmod na ang Palawan Provincial Health Office sa Quezon ng Aquatab purification tablets upang malinis ang inuming tubig ng mga residente.