Europe's Roger Federer, right, and Rafael Nadal, left, celebrate after defeating World's Jack Sock and Sam Querrey in their Laver Cup doubles tennis match against in Prague, Czech Republic, Saturday, Sept. 23, 2017. (AP Photo/Petr David Josek)

PRAGUE — Nagsanib-puwersa sina Rafael Nadal at Roger Federer para pagwagihan ang doubles event ng bagong Laver Cup nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Sa kauna-unahang pagkakataon sa kanilang career, nagkasama ang dalawa para pataubin ang tambalan nina Sam Querrey at Jack Sock, 6-4, 1-6, 10-5, sa team event competition sa pagitan ng Europe vs Worlds.

“It was unbelievable,” pahayag ni Nadal.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ginaganap ang Laver Cup sa Prague’s O2 Arena sa kakaibang black hard court.

Kabilang din sa Europe team sina Alexander Zverev, Marin Cilic, Dominic Thiem at Tomas Berdych, habang magkakasama sa Worlds sina John Isner, Nick Kyrgios, Denis Shapovalov at Frances Tiafoe.

Kakailanganin ng Europe na manalo nang dalawa sa nalalabing apat na laro para makamit ang korona.