RIYADH (AFP) – Daan-daang kababaihan ang nagtungo sa sports stadium sa unang pagkakataon para markahan ang national day ng Saudi Arabia nitong Sabado, na ipinagdiwang sa buong kaharian sa pamamagitan ng mga konsiyerto, folk dance at fireworks.
Ang presesniya ng kababaihan sa King Fahd stadium ay nagmamarka ng kaibahan sa mga nakaraang pagdiriwang sa Gulf kingdom kung saan pinagbabawalan silang pumasok sa mga sports arena sa ilalim ng istriktong batas na naghihiwalay sa kalalakihan at kababaihan sa publiko.
Pinayagan ang kababaihan na makapasok sa stadium kasama ang kanilang mga pamilya at pinaupo nang nakahiwalay sa mga binata para mapanood ang isang dula tungkol sa kasaysayan ng Saudi.
‘’We hope in the future that there will be no restrictions on our entrance to the stadium,’’ anang Um Abdulrahman, isang babae mula sa hilagang kanlurang lungsod ng Tabuk, sa AFP.