Ni: REGGEE BONOAN
MARAMI ang naiintriga sa titulong Last Night ng bagong pelikula nina Toni Gonzaga at Piolo Pascual na na sinulat ni Bela Padilla. Ano raw ang nangyari sa gabing tinutukoy? Kung ang kahulugan ba nito ay huling gabi o may nangyari lang kagabi?
Sabi ni Piolo, “As Mark (karakter niya) who’s coming from a different place at total opposite sila ni Carmina (Toni) sa journey, kaya lang for him, ang buhay laging may pag-asa. We should never give up on life because it never gives up on us. Everyday there’s a new chance to live again, so ‘yun ‘yung naging sa kanya, na magkaroon ng hope na lahat naman tayo and for me as Mark, the message of this film is there’s always this silver lining.
“Actually, ‘yun naman ‘yung naging journey ng character niya since he’s coming from a dark place, there’s always a silver lining, you know. In the horizon, makikita mo may pag-asa, may hope.”
Ikinuwento naman ni Toni na malaki ang naging parte ni Piolo Pascual sa buhay niya bilang artista dahil baguhan pa lang siya 17 years ago nang makuha siya sa isang softdrink commercial at sumigaw ng I Love You Piolo na naging trend ng mga panahong iyon.
Humahanga si Toni noon kay Piolo, pero mas minahal daw niya ngayon ang aktor pagkatapos nilang gawin ang pelikulang Last Night.
“Si PJ, iba ‘yung connection ko sa kanya,” sabi ng TV host/actress/singer. “Iba ‘yung impact niya sa buhay ko kasi nagsimula ako, ‘yung big break ko talaga, du’n sa sumigaw ako ng I love you Piolo.
“Di ba nga, for one year, nu’ng nagsisimula ako, ang pangalan ko, si I love You Piolo hanggang sa nalaman lang nila na, ah, siya pala.
“Iba ang impact sa akin ni PJ, sa buhay ko. I will always be thankful and grateful na nakilala ko siya, nagkasama kami. Si PJ, mahal ko na siya ngayon. Dati admiration. Ngayon, as a co-worker, mas minahal ko siya after this project kasi mas nakita ko sa mata niya, iba ‘yung passion niya, pagmamahal niya sa trabaho, pagmamahal niya sa kapwa katrabaho niya, from utility to everybody, pantay-pantay ang tingin ni PJ. So after this project, masasabi ko na mas mahal ko si PJ ngayon bilang isang katrabaho.”
Samantala, tinanong sina Piolo, Toni, Bela Padilla, Neil Arce, Boy 2 Quizon at Direk Joyce Bernal kung ano ang gagawin nila kapag last night na nila.
“Iinumin ko lahat ng energy drink para malakas ako throughout the day,” sagot ng aktor.
Hindi naman type ni Toni ang tanong dahil, “Wala pang one-year old ‘yung bata, (baby Seve) last night ko na? Hindi man lang nag-birthday? Pa-birthday n’yo naman. Ano lang, hug ko lang o titigan ko. At least bago ako mawala, may souvenir na maiiwan, ‘yun lang.”
“Aalis ako ng Pilipinas, mag-a-abroad ako. Magbabakasyon ako,” say ni Boy 2.
“Magda-drive lang ako kasi happy moment ko ‘yun. At ihahatid ko lahat ng naghi-hitchhike kung saan sila pupunta. Baka iyon ang cause of death ko kaya last night ko na,” saad naman ni Bela.
At si Neil, “I’ll spend it with my family.”
Kakaiba naman ang trip ni Binibining Joyce, “Gagawin ko lahat, lahat ng hindi ko puwedeng sabihin dito, gagawin ko lahat. Lahat ng gusto rin ninyong gawin on your last night, gagawin ko lahat, mag-start ako sa umaga, irururok ko.”
Napaisip tuloy kami, ano naman kaya ang puwede naming gawin o ng lahat ng makakabasa nito sa ‘last night’ ng buhay natin?