Ni LITO T. MAÑAGO

KASAMA sa regional show ng Kapuso Network ang former Mr. Pogi grand winner ng Eat Bulaga na si Edgar Allan Guzman sa Naga City sa para sa annual ng Peñafrancia Festival at bilang bahagi ng selebrasyon ng kapistahan ng Our Lady of Peñafrancia noong nakaraang Sabado, Setyembre 16.

ALEXANDER HEART AT EDGAR ALLAN copy

Kasama rin sa kanilang lakad ang dalawa pang bida ng My Korean Jigaya na sina Heart Evangelista at Alexander Lee.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Sa SM City Naga ginawa ang kanilang Kapuso Mall Show at tuwang-tuwa si EA sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga Bicolano.

Sabi ng award-winning actor, masaya siya dahil nagkaroon siya ng malaking project sa primetime at sa isang malaking network pa.

“Masaya ako kasi nakikita kong tanggap naman ako ng mga tao,” simula ni EA nang makatsikahan namin sa backstage ng SMX pagkatapos ng Manila International Book Fair.

“Nu’ng Saturday sa Naga, almost estimated crowd namin is 20 thousand, so, du’n pa lang ang laki na ng exposure na naibibigay ng Kapuso Network sa akin at primetime pa. Kumbaga, malaking bagay talaga na ‘yung show mo, eh, tumama at sumakto du’n sa timeslot na maraming talagang nakakapanood. Advantage talaga kapag napapanood ang isang artista sa primetime.”

Pagkatapos ng kanilang show, tumulak ang grupo ng My Korean Jagiya sa Sorsogon sa imbitasyon ng mag-asawang Heart at Sen. Chiz Escudero.

“After our show, in-invite niya (Heart) kami sa bahay nina Sen. Chiz sa Sorsogon. From Naga to Sorsogon, nag-travel kami, three hours. Talagang plinano niya ‘yun. Para du’n kami matulog at maka-bonding na rin si senator. Kumbaga, ‘yun ‘yung paraan ni Heart na maging close sa lahat at makikitang nagi-effort siya. Para walang wall sa eksena, sa trabaho,” kuwento pa ni Edgar.

Kung dati’y naiilang pa siya kay Heart, ngayon daw ay napalitan na ito ng paghanga.

“Dati pa ‘yun, ngayon, hindi na. Si Heart din kasi ‘yung gumagawa ng way, kaming tatlo para magka-bonding. So inimbitahan niya kami sa bahay nila. Kapag nasa set, namamansin, ganyan, nakikipag-bonding sa amin,” tinuran pa ni EA.

Sa ngayon, kuntento na si Edgar sa takbo ng kanyang showbiz career. Bukod sa priority niya ito sa ngayon at ang teleserye niya sa GMA, waiting na rin sila ng co-actor niyang si Joross Gamboa kung lulusot sa MMFF Committee ang pelikulang Deadma Walking na directorial debut ni Julius Alfonso.