Ni BETH CAMIA
IBINASURA ng Department of Justice (DoJ) ang reklamong rape na isinampa laban kay Vhong Navarro.
Base sa resoslusyon ng DoJ, wala silang nakitang probable cause upang ipagharap ng kasong rape sa korte si Navarro.
Ang aktor ay inireklamo ng panggagahasa sa DoJ ng model-stylist na si Deniece Cornejo.
“To be sure, the voluminous records of this case was scrutinized vis-à-vis the original resolution finding probable cause. However, such thorough scrutiny has failed to make us engender a well-founded belief that the rape and attempted rape described by the complainant actually happened,” nakasaad sa resolusyon na nilagdaan OIC Prosecutor General Severino Gaña, Jr.
Sa rekord ng kaso, noong October 16, 2015, isinampa ni Deniece ang reklamo laban kay Vhong sa Taguig Prosecutor’s Office.
Nailipat sa tanggapan ng prosecutor general ang reklamo dahil dalawang piskal ng Taguig ang nag-inhibit sa paghawak ng kaso.
Base sa reklamo ni Cornejo, inakusahan si Navarro ng sexual abuse noong January 17, 2014 at noong January 22, nang bugbugin ng grupo ng negosyanteng si Cedric Lee ang aktor, na nauwi sa pagkakaospital nito.