Ni MARY ANN SANTIAGO

Nasa kustodiya na ng Manila Police District (MPD) si John Paul Solano na itinuturing na pangunahing suspek sa pagpatay sa hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo III.

A student of UST who asked not to be identified arrives at the MPD Homicide to clear his name after he was suspected of being involved in the death of UST Law student Horacio Castillo III. The student confirmed that he was the man in the video but denied that it was Castillo who was with him that moment.(photo by ali vicoy)

Unang sumuko si Solano, kasama si University of Santo Tomas (UST) Civil Law dean Nilo Divina, kay Senador Panfilo Lacson sa Bonifacio Global City sa Taguig kung saan siya sinundo ng mga tauhan ng MPD-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), sa pangunguna ng hepe nito na si Police Senior Inspector Rommel Anicete, upang idiretso sa kanilang tanggapan.

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

Ayon kay MPD Spokesman Police Supt. Erwin Margarejo, hinihintay na lamang nila ang abogado ni Solano bago ito isailalim sa inquest proceedings para sa mga kasong perjury o paglabag sa Article 183 ng Revised Penal Code at Anti-Hazing Law.

Sa isang press briefing sa Taguig, una nang humingi ng paumanhin si Solano sa pamilya Castillo dahil sa umano’y pagbibigay ng maling pahayag hinggil sa pagkamatay ng kanilang anak.

Samantala, isang estudyante ng UST ang nagtungo kahapon sa headquarters ng MPD at sinabing isa siya mga taong nasa closed-circuit television (CCTV) footage na ipinakita ng mga pulis sa media kaugnay ng pagpatay kay Castillo.

Ayon kay MPD Spokesperson Police Supt. Erwin Margarejo, nilinis ng estudyante, hindi pinangalanan, ang kanyang pangalan at sinabing hindi siya si Solano.