Ni: Liezle Basa Iñigo

Patay ang isang pulis matapos siyang barilin ng dalawang lalaki na bumuntot sa kanya sa national highway sa Barangay Tupang sa Alcala, Cagayan, nitong Huwebes ng gabi.

Nagtamo ng mga bala sa ulo at katawan si SPO3 Romeo Bueno, nakatalaga sa Alcala Police, at residente ng Bgy. Tupang.

Dakong 7:15 ng gabi at sakay si Bueno sa kanyang motorsiklo patungo sa police station nang sundan at pagbabarilin siya ng dalawang suspek.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Kaagad na binawian ng buhay ang pulis, habang mabilis namang nakatakas ang mga salarin.

Apat na basyong bala ng .45 caliber pistol ang narekober sa pinangyarihan ng krimen.

Inaaalam pa kung ano ang dahilan ng pagpatay sa pulis.