Ni: Leslie Ann G. Aquino

Kasunod ng malakas na lindol sa Mexico na ikinamatay na ng mahigit 270 katao, hiniling ng isang obispong Katoliko sa mga mananampalataya na manalangin para sa proteksiyon ng Panginoon mula sa lahat ng kalamidad.

“On these threat of earthquakes, we turn to You to protect us and provide us safety. We trust You all the more to be secured and save us from all calamities,” saad sa dasal na itinuro ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos.

Hinimok din ng pinuno Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang mga deboto na hilingin sa Diyos na pakalmahin ang kalikasan at iligtas ang mga tao at ang bansa sa kapahamakan.

Karina Bautista, PH navy reservist na

“We humbly ask You to pacify our land, to grant harmony to our place. With your powerful words make the forces of nature calm and peaceful. Spare us from destruction and imminent death,” anang Santos.