Ni NORA CALDERON

NAPANOOD namin sa sugod-bahay ng “Juan For All, All For Juan” segment ng Eat Bulaga si Gemini na isang beki, mataas, maganda, kontesera, at si Myen na isa namang tibo, maliit at that time ay on her family way na.

Inah & Martin MPK copy

Umani ng paghanga sa Dabarkads at televiewers ang love story nina Gemini at Myen, at ang maganda, gusto nilang magpakasal kapag nakaipon na sila at nakapagsilang na si Myen, dahil babae at lalaki naman sila.

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

Tampok ngayong gabi sa Magpakailnaman ni Ms. Mel Tiangco ang love story nina Gemini at Myen. Gagampanan ni Martin del Rosario ang character ni Gemini at si Inah de Belen si Myen.

First time gumanap ni Inah sa ganitong role.

“Una po, nanibago ako sa role, pero later on, at nang makausap ko nang personal si Myen nang dumalaw sila sa first taping day namin, at inobserbahan ko ang mga kilos niya at ‘yung ikinuwento niya sa akin, in-insert ko sa pag-arte ko. Hindi po naman problema sa akin, dahil may mga friends akong tibo at beki. Pero challenge po sa akin dahil babaeng-babae naman ako, kaya I just put myself sa mga eksenang ginawa ko.”

Natawa si Inah nang tanungin kung may nanligaw nang tibo sa kanya sa college.

“Wala po, kasi sa amin sa Miriam College, marami talagang tibo doon pero siguro friendly naman ako sa kanila, friends lang talaga kami.”

Samantala, gumanap na bilang beki si Martin noon sa isang comedy show.

“Pinapanood po sa amin ni Inah ang episode na iyon nina Gemini at Myen sa Eat Bulaga para makita naming totoo iyon,” sabi ni Martin. “Malaking challenge po sa akin na gumanap ng ganoong role na beki na mai-in love sa tibo. First time din naming nagkasama ni Inah, at napakahusay din ng acting niya bilang isang tibo, at saka maganda ang love story nila, kaya masarap gampanan ang characters nila.”

Hindi takot si Martin na maakusahang bading siya.

“Wala akong tinatanggihang role, kasi kung tatanggi ako parang nilimitahan ko naman ang pagiging actor ko. Hindi rin ako affected kung bina-bash akong beki dahil kilala ko naman ang sarili ko. Hindi ko rin pinapatulan ang bashers, huwag lang kung idadamay nila ang family ko. Ako na lang ang i-bash nila, hindi ko sila papatulan.”

Mamayang gabi na mapapanood ang “Beki Ka, Tibo Ako, Forever Tayo: The Gemini Naraga and Myen Oronan Story,” mula sa direksiyon ni Rechie del Carmen, pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA-7.