Ni: Fer Taboy

Dalawang katao ang napatay matapos madaganan ng mga debris sa pagguho ng lupa sa Cebu City nitong Huwebes ng gabi.

Sinabi ng Cebu City Police Office (CCPO) na nangyari ang landslide bandang 4:30 ng hapon sa Guadalupe River sa may Sitio Lower Ponce, Barangay Capitol Site.

Several houses were hit by uprooted bamboo trees due to landslide in Barangay Capitol Site, Cebu City Thursday night were two persons are killed  Elpedio Geraga,64, and Juvelyn Sanipa, 31.Nagiel Bañacia, head of the city’s Disaster Risk Reduction Management Office, said heavy rains on Thursday afternoon loosened the soil as well as the bamboo trees along the Guadalupe River, triggering a landslide. (Photo by: Juan Carlo de Vela) mbnewspictures / mbnewspix

Human-Interest

Nanay na sumunog sa 3 anak may problema sa mister, 'pakialamerang' biyenan?

Kinilala ng CCPO ang mga nasawi na sina Elpidio Heraga, 64; at Juvelyn Salipa, 31, na kapwa nalibing sa debris ng mga gumuho nilang bahay at mga nabunot na puno ng kawayan kasunod ng landslide.

Ayon sa mga ulat, narekober ang mga bangkay dakong 8:45 ng gabi.

Nasagip naman ng mga rescuer ang 18 katao, kabilang ang 10 menor de edad, sa pagguho ng lupa na dulot ng malakas na ulan noong hapon.

Ayon sa City Disaster and Management Council, maraming pamilya sa lugar ang nag-alsabalutan na bago nangyari ang landslide.

Pansamantalang inilipat ang mga pamilya sa barangay hall.