Ni: Liezle Basa Iñigo
Kinumpirma kahapon ng Northern Luzon Command (NolCom) na mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang mga armadong napatay nitong Miyerkules sa tri-boundaries ng Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, at Eastern Pangasinan.
Bago ang engkuwentro ay minamatyagan na ng tropa ng Charlie Company ng 84th Infantry Batallion, 7th Infantry Division ng Philippine Army ang lugar matapos may mai-report na pananakot umano sa mga residente.
Nasa 15 NPA ang nakasagupa ng militar nitong Miyerkules sa Sitio Barat sa Barangay Burgos sa Carranglan, Nueva Ecija at siyam sa mga ito ang napatay, kabilang sina alyas “Rasul”, alyas “Gian”, alyas “Bunso”, alyas “Asok”, at limang iba pa.
Patuloy pa rin ang clearing operation sa lugar upang maaresto ang iba pang nagsitakas.