Ni NORA CALDERON
NAGPASALAMAT si San Juan City Mayor Guia G. Gomez at ang city government of San Juan sa lahat ng mga sumuporta para maging malaking tagumpay ang benefit concert para sa mga pamilya ng ating mga sundalo na nakipaglaban sa Marawi City.
Ginanap ito sa Filoil Flying V Centre in San Juan City noong Wednesday, September 20.
Nagpasalamat din si Mayor Guia sa lahat ng concert artists na nagbigay ng kanilang suporta sa benefit concert.
Naging organizer ng benefit concert ang San Juan Jaycees headed by Senator JV Ejercitoat produced ito ng Music Museum na siyang nag-imbita sa mga artist performers na sina Basil Valdez, Ms. Celeste Legaspi, The Company at Maestro Ryan Cayabyab.
Nag-compose si Vheenee Saturno ng awit para sa Marawi na nilapatan ng musika ni Maestro Ryan at inawit ng The Voice Kids contestant na si Esang de Torre. Personal na inawit ni Esang sa concert, solo, at with the other artists, habang ipinakikita ang kabuuan ng Marawi City devastated by the Maute group. Pero naroon ang hope ng pagbangon nito.
Naging special guest si former President and Manila Mayor Joseph Estrada at nagsidalo rin ang Iligan Jaycees.
Tumulong din sa ticket sales ang mga Muslim traders in Greenhills.
Ayon sa report, lahat ng proceeds ng concert ay ita-turn over sa mga namamahala ng welfare ng mga sundalo sa Marawi City.