Ni: Reggee Bonoan

“WALA pa ako sa mood, busy pa ako sa pag-iisip saka ayaw ko makasakit ng tao.”

Ito ang sabi ni Robi Domingo sa ilang entertainment media na dumalo sa Sunpiology Duo launch na ginanap sa Seda Hotel BGC nitong Martes ng gabi.

rOBI1 copy

Human-Interest

‘Purrfect date!’ PAWS, handog ang ‘FURST DATE’ para sa animal lovers sa Valentine’s Day

Isa si Robi sa hosts ng event ng Sun Life Financial Philippines at ni Piolo Pascual.

Inamin ng binata na parati siyang isine-set up ng date sa mga babaeng kilala rin sa showbiz pero ayaw niyang banggitin kung sino.

“Ayaw ko na pong magsalita,” nakangiting sabi ng binata.

Okay lang ba na mabasa ng mga babaeng ito na wala siya sa mood makipag-date?

“Yeah, okay lang, kasi wala naman talaga,” sagot ni Robi.

Hindi kasi handang umibig ulit si Robi pagkatapos ng relasyon nila ni Gretchen Ho.

“Not yet and that’s true! Ah, I need space pa na hindi ko alam kung ano’ng nangyari, siguro sobrang nangyari before or walang nangyari ngayon kaya hindi ako maapag-decide kung ano’ng gagawin ko sa buhay muna,” malamang pahayag ng binata.

Sa isang corporate event kamakailan, magkasamang nag-host sina Robi at Gretchen at napansing nagkakailangan sila sa stage.

“Kung maging okay kami sa stage the thing is we’re not actor or actress, we’re host and real people. I came from a reality show kaya nga po wala akong acting job even nag-try ako, nag-audition ako, hindi ako pumapasa,” paliwanag ng TV host.

Ano ang reaksiyon ni Robi kapag tinutukso pa rin sila ni Gretchen kapag magkasama?

“I ask for her permission if we can play with it, ‘yun muna. Kasi kung sinabi niyang ayaw na niya, isipin ko muna ‘yung feelings ng tao kaysa sa trabaho ko. May isang beses na sinabi niyang, ‘please ‘wag mo muna gamitin’ kasi uncomfortable raw siya. Pero ‘pag sinabi naman niya, siya ‘yung humirit na una, so puwede so I take the cue from her.

Respeto muna,” sagot ni Robi.

In speaking terms na sila, so, may posibilidad ba ang balikan?

“On my end, I think so. My doors are not closed for anything pero ngayon siguro I’m just sticking to the right side of things right now, ‘yung tama kasi if I decide depende sa feeling ko lang. Kunwari ngayon feeling ko, siya na babalikan ko, ito na ‘yun kasi I’m 28 na at siya 27 na, so bawal nang magkamali,” paliwanang ni Robi.

Samantala, excited si Robi na malaman ang resulta ng physician board exam ngayong Setyembre 2017 dahil mga ka-batch at kaibigan niya ang nagsikuha.

Nangarap ding maging doktor ni Robi kaya Bachelor of Science in Health Sciences ang kinuha niya sa Ateneo de Manila University noong 2012, pero inagaw na nga siya ng showbiz.

Kung sakaling itinuloy ni Robi ang pagdodoktor, plano niyang mag-specialize sa Ophthalmology tulad ng lolo niya sa mother side na nasa Bacolod City.

“Before sinasabi sa akin OB, eh, pero parang takot ako, eh. Kasi everyday makikita (pribadong parte ng babae), why not di ba? Plano kong ituloy my med before kasi nag-NMAT (National Medical Admission Test) na po ako,” saad ni Robi.

Hindi ba siya nagsisisi na hindi niya naituloy ang medisina?

“I had that episode in my life na nagkaroon po ako ng cold in life crisis na lagi kong tinatanong (sarili) kung ito na ba ‘yung kapupuntahan ko? But I had to be happy with the things happening in your life, eh. Sometimes you have to accept things and hashtag, blessed ka. Iyon ang path na ibinigay sa akin ni Lord, you have to embrace it,” sagot ng TV host.

Naiinggit ba siya sa mga kaklase niya na magiging doktor na?

“Siyempre nu’ng una kasi magulang ko mga doktor. Actually, nag-bonding kami at hinihintay na lang nila ‘yung resulta ‘tapos nakuha na nila ‘yung license nila ‘tapos naka-white coat na sila na ‘yung iba pa nga ro’n, nangongopya sa akin dati, ngayon doktor na. Medyo nainggit ako ng slight pero iniisip ko kung sila naka-white coat ako naka-black coat naman ako ‘pag Star Magic Ball,” nagbibirong kuwento ng binata.

“Mas naging practical lang ako sa buhay, iyon ang perfect term na ginamit ng nanay ko pero kasi sa kadulu-duluhan ng araw, inisip ko, it’s all about passion, eh, and the willingness to help other people. Ito naman (showbiz) nalaman ko ang dami palang natutuwa, ang daming nanonood ng YouTube, nanonood ngASAP para lang ma-uplift ‘yung pakiramdam nila.

‘Pag napatawa mo sila sa TV or sa events, malaking bagay na sa akin,” katwiran ni Robi.

Ano ang saloobin ng magulang niya na hindi na natuloy ang dating pangarap niya?

“They’re supportive naman. Kung saka-sakaling hindi ako magdoktor, maghanap na lang daw ako ng doktora,” natawang sagot ng binata.