Ni: Gilbert Espena

MULING aakyat sa lona si dating world rated lightweight Jose Ocampo ng Pilipinas laban kay Malaysian knockout artist Keng Fai Hui para sa bakanteng IBO Oceania welterweight title sa Oktubre 20 sa Suntec City Convention Centre sa Singapore.

Beterano sa mga laban si Ocampo na minsang naging WBO Oriental lightweight champion bago umakyat ng timbang pero natalo ni Sergey Lubkovich sa kanyang huling laban noong Disyembre 16, 2016 sa Ekaterinburg, Russia.

May rekord si Ocampo na 20-10-1 na may 13 panalo sa knockouts kumpara kay Hui na may perpektong tatlong panalo, lahat pawang sa knockouts.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa iba pang laban, itataya naman ni WBC No. 11 bantamweight Michael Mascarinas ang kanyang rankings laban kay Thai Nirundon Thata sa walong rounds na sagupaan.

May rekord si Dasmarinas na 26-2-0 win-loss-draw na may 17 panalo sa kncokouts kumpara kay Thata na dating WBO Asia Pacific super flyweight champion na may 12 panalo at 1 talo, 8 sa knockouts.