Ni FRANCO G. REGALA

CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga – Bilang pagtalima sa panawagan ni Pangulong Duterte na pahintulutan ang mga miyembro ng media na magmatyag sa pagpapatupad ng drug war, inatasan ni Police Regional Office (PRO)-3 director Chief Supt. Amador V. Corpus ang lahat ng police operating unit sa Central Luzon na magsama ng mga mamamahayag sa kanilang operasyon.

Ayon kay Chief Supt. Corpus, layunin ng direktiba na matiyak na ang mga operasyon ng pulisya sa Central Luzon ay alinsunod sa mandato nitong protektahan at pagsilbihan ang mamamayan, at maiwasan na rin ang anumang paglabag sa karapatang pantao.

Binigyang-diin pa ng regional director na hindi niya kukunsintihin ang sinumang mapatutunayang tiwali sa kanyang mga tauhan.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na dapat lamang na pahintulutang sumama ang media sa mga anti-drug operation ng pulisya upang mapabulaanan ang pagdududa sa mga pagpatay sa mga sinasabing nanlaban sa mga drug war ng pulisya.