Ni: Nitz Miralles

KINAILANGANG magpa-myotheraphy si Kris Bernal para mabawasan ang sakit ng kanyang leeg, likod at siko pagkatapos ng grabeng torture scene niya sa Impostora. Nagka-sprain at nagkapasa-pasa siya. Kahit ingat na ingat ang mga kaeksena, hindi pa rin naiwasang masaktan si Kris na manipis ang katawan.

Kris_ bernal copy

Naalala namin ang kuwento ni Direk Albert Langitan na sobra ang pagkapropesyonal ni Kris at kung may dapat magreklamo sa cast, siya ‘yun. Hindi lang doble ang mahahabang linya na minememorya, times two siyang pagod dahil dalawang karakter ang palit-palit niyang ginagampanan. Pero never siyang nagreklamo.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Umiiyak na lang daw si Kris ‘pag hindi na kaya ang pagod, pero hindi nagrereklamo.

Wala rin namang magagawa si Direk Albert kundi kunan at tapusin ang mga eksena.

Anyway, makakapagpahinga ng ilang araw si Kris sa taping ng Impostora dahil sa October, magbabakasyon siya sa Korea.

Pinayagan siya ng production na magbakasyon at excited na ang aktres.

“It is my break from Impostora taping,” sabi ni Kris. 

Ang payo ng kanyang supporters, kumain nang kumain habang nasa Korea para tumaba siya ng konti. Maganda raw kung madagdagan ang timbang niya para panlaban sa mga darating pang torture scene sa Impostora.