Ni LITO T. MAÑAGO

NAG-TRENDING sa social media ang impersonator ni Karen Davila na si KaladKaren Davila (real name: Jervi Li) nang gayahin ang una habang tumatawid ng Cuyab River sa Tanay, Rizal, kasama ang crew at direktor na si Miguel Tanchanco.

Karen Davila at Kaladkaren copy

Ipinost ang video ni Miguel, director ng MTV at dance choreographer ng Viva, sa Facebook page nu’ng September 4, at kalauna’y pinagpasa-pasahan na.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

 

Makikita sa 47-minute video ang grupo habang patawid ng ilog at kunwari ay nagde-deliver ng kanyang stand-upper si Jervi. (Ang stand-upper, ayon sa wiktionary ay, “A television news broadcast where the presenter stands up when speaking into the camera.”)

 

Una naming napanood ang video sa Twitter nang i-repost ng isang netizen (@krizzy_kalerqui) nu’ng Wednesday, September 6. Sa sobrang pagkaaliw namin sa panggagaya ni Jervi kay Karen, agad namin itong ni-retweet at tinag ang ABS-CBN TV host/news anchor.

 

Ang original FB post naman ni Miguel ay umaani na, as of deadline, ng mahigit 25K plus likes, 7K plus comments at 9K plus shares.

 

Pero “the who” nga ba si Jervi at tila nagkaroon ng interes ang mga netizen sa kanya?

 

Si Jervie, ayon sa kanyang FB stats, ay graduate ng BA Broadcast Communications sa UP Diliman; actor/writer at TV5 at creative writer at floor director ng Eat Bulaga. Bilang actor, umapir na siya sa TV series naBampirella (GMA Network, 2011), Never Say Goodbye (TV5, 2013) at naging isa sa castaway ng Amazing Race Philippines, hosted by Derek Ramsay.

 

Minsan na rin daw niyang ginaya o in-impersonate si John “Sweet” Lapus sa “Live AIDS: Truth or Lie,” ayon na rin sa pagpapalitan nila ng Twitter message ng gay comedian.

 

Sa huli, ano ba ang naging reaksiyon ni Karen sa panggagaya sa kanya ni KaladKaren Davila?

 

“Ang galing mo, Kaladkaren,” post ni Karen sa Twitter.

 

Pagkaraan ng dalawang linggo, nagharap sina Karen at KaladKaren sa studio ng ABS-CBN. Sa photo na ipinost ni KaladKaren sa social media at ni-repost ni Karen, sabi ng huli, “#AkalaKoAKO! MEET... the amazing @jervijervi (handle name nito sa Instagram at Twitter) aka #KaladKaren who spreads such #goodvibes!!! Best of luck to you #KaladKarenDavila #sept21207 #impersonator.”

 

Sagot ni KaladKaren sa totoong Karen, “Ma’am @iamkarendavila hindi po ako maka tulog sa sobrang saya!! Maraming maraming salamat po!!! My heart is full,” na tinapos nito ang mensahe ng isang red heart emoji.