Ni: Jun Fabon

Isang hinihinalang holdaper at tulak ng ilegal na droga ang itinumba ng riding-in-tandem habang sugatan ang kalaro nito sa sugal sa Quezon City, iniulat kahapon.

Sa report ni Quezon City Police District (QCPD) Director Police Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, pinagbabaril hanggang sa mapatay ng riding-in-tandem si Jerry De Vera y Ortuja, 39, ng No. 18 Kilometer Jophel Compound, Commonwealth, Barangay Batasan, Quezon City, dakong 10:00 ng gabi kamakalawa.

Sugatan naman nang tamaan ng ligaw na bala si Mark Rafael y Flores, 25, ng No. 18 Saint Joseph Street, Bgy. Holy Spirit.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Base sa imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QCPD, nagsusugal sina De Vera at Rafael sa isang lamayan sa kahabaan ng Kalusugan St., kanto ng Kabihasnan, Bgy. Batasan nang paulanan ng bala ng mga suspek na humarurot sa hindi batid na direksiyon matapos ang insidente.