Ni: Ellalyn De Vera-Ruiz

Magiging magkasinghaba ang araw at gabi sa Sabado. Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na magsisimula na maging mas mahaba ang gabi at magiging mas maikli ang araw sa bansa.

Ipinaliwanag ng PAGASA na nangyayari ang autumnal equinox kapag ang declination ng araw ay nasa zero degrees at mayroong 12 oras ng araw at 12 oras ng gabi sa lahat ng panig ng mundo, kayat ang gabi at araw ay magiging magkasinghaba.

Ito ay karaniwang pumapatak ng Setyembre 22 o 23 kada taon, ngunit ngayong taon ang autumnal equinox ay magaganap sa Setyembre 23.

Lolit Solis, sad sa resulta ng eleksyon para kay Bong Revilla

Pagkatapos nito, mas magiging mahaba na ang gabi sa Pilipinas sa paggalaw ng araw pababa ng celestial equator patungo sa southern hemisphere, anang PAGASA.

Nangangahulugan ito na nalalapit na ang mas mahahaba at malalamig na gabi at mas maiikli at maalinsangang araw, na karaniwang iniugnay sa Kapaskuhan.