Ni: Dave M. Veridiano, E.E.

NANG malaman kong ibinalot sa kumot ang bangkay ni Horacio “Atio” Castillo III, na ayon sa Manila Police District (MPD) ay namatay sa hazing sa kamay mismo ng mga kasamahan niya sa fraternity sa University of Santos Tomas (UST), naglaro agad sa aking malikot na isipan na ang law student ay tila palalabasing biktima ng “Tokhang” o operasyon ng pulis laban sa mga adik at pusher na kalimitang nauuwi sa pagpatay sa mga suspek. At ang matindi pa rito – walo umano sa 16 na itinuturing na “person of interest” sa kaso ni Castillo ay pawang bangag o high sa droga nang isagawa nila ang hazing sa isang hinihinalang “frat house” sa Paco, Maynila.

‘Di ako nagkamali ng hinala. Ilang oras matapos ipahayag ni MPD Director Police Chief Superintendent Joel Napoleon Coronel na iimbitahan nila si John Paul Sarte Solano—si Solano kasi ang nagsugod kay Castillo sa ospital—upang hingan ng paglilinaw hinggil sa kaso – ay nakausap ko ang isang imbestigador at kinumpirma ang aking hinala.

Sinabi pa niya na naglabas na ng memorandum ang Department of Justice (DoJ), na ipinakalat sa mga ahente ng Bureau of Immigration (BI), laban sa 16 na miyembro ng Aegis Juris Fraternity (AJF) na hinihinalang may kinalaman sa pagkamatay ni Castillo.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“To ensure that persons-of-interests shall remain within our jurisdiction, and considering the gravity of the offense, there is a strong possibility that he may attempt to place himself beyond the reach of the legal process by leaving the country. We deem the issuance of Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) against the above-named individual, prudence in order, to at least monitor the itineraries of his flight, travel and/or whereabouts,” base sa bahagi ng memorandum na aking nakuha.

Ayon sa aking source, isa si Solano sa tatlong importanteng miyembro ng AJF – na magkakasama sa planong palabasin na “nadaanan” lang nila ang bangkay ni Castillo na tila biktima ng “Tokhang” -- na itinapon sa may kanto ng H. Lopez Blvd. at Infanta Street sa Tondo, Maynila.

Sinabi ni Solano sa imbestigador na natagpuan niya si Castillo sa naturang lugar sa Barangay 133 noong Setyembre 17, Linggo ng umaga. Papasok siya trabaho sa San Lazaro Hospital at nang mapadaan siya sa lugar ay nakita niya si Castillo sa bangketa na nakabalot sa kumot. Pinara umano ni Solano ang dumaang Strada at isinugod si Castillo sa Chinese General Hospital.

Ngunit salungat lahat ito sa imbestigasyon ng mga pulis – hindi ito tumugma sa mga pahayag ng mga barangay official at maging sa mga closed-circuit television (CCTV) sa lugar.

Maliwanag na pilit inililigaw ni Solano ang mga imbestigador. Napag-alaman din ng mga pulis na UST law student at miyembro rin ng AJF si Solano …at ang driver ng SUV na nakilala sa pangalang “Ralph” ay “fraternity brod” nila, at may impormasyong nakalipad na ito sa Taiwan. Siya rin umano ang nagbalot kay Castillo at nagdala ng drogang ginamit ng walo sa grupo. Tumakbo na umano sa ibang lugar ang mga pangunahing suspek ngunit “monitored” na sila ng mga pulis.

Habang isinusulat ko ito ay itinawag naman sa akin ng source na may binabantayang “frat house” ang operatiba ng MPD sa Apacible Street sa Paco, Maynila…Abangan!

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936-9953459 o mag-email sa: [email protected]