Nina MARY ANN SANTIAGO at BETH CAMIA

Tatlong indibiduwal na ang itinuturing ng Manila Police District (MPD) na principal suspect sa kaso ng hazing victim na si Horacio "Atio" Castillo III.

Sa pulong balitaan kahapon ng umaga, kinumpirma ni Manila Police District (MPD) Director Police Chief Supt. Joel Napoleon Coronel na ipinag-utos na niya ang pag-aresto sa tatlong pangunahing suspek sa kaso na kinabibilangan ni John Paul Solano, na siyang nagsugod kay Castillo sa ospital; at ng mag-amang sina Antonio at Ralph Trangia, na opisyal ng Aegis Juris fraternity na inaniban ni Atio.

“Both persons, Mr. Antonio Trangia and Ralph Trangia are now possible suspects, and manhunt operations would be undertaken to affect their immediate arrest and the recovery of the motor vehicle,” ani Coronel.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

"Itong si John Paul Solano who appeared before the MPD investigation section, clearly at that time only found the motionless body of the victim whom he claimed he does not know, 'yun ang kanyang allegations. Hindi niya kilala ‘yung katawan na natagpuan niya sa Tondo at dinala niya sa Chinese General Hospital, with the help of unidentified supposedly good samaritans," kuwento ni Coronel.

“So clearly, as you can see, as a result of our investigation, Mr. John Paul Solano together with the assistance and cooperation of Mr. Antonio Trangia and Ralph Trangia deliberately misled our investigation on the death of Horacio Castillo by providing us false and fraudulent statements concerning the delivery of Mr. Castillo in Balut, Tondo, which we feel was a cover up for the actual murder and the killing of the victim,” paliwanag pa ng heneral. “Yes they are the three confirmed primary suspects.”

16 FRAT MEMBERS SA LOOKOUT BULLETIN

Naglabas kahapon ng lookout bulletin order (LBO) ang Bureau of Immigration (BI) laban sa 16 na miyembro ng Aegis Juris fraternity na pinaniniwalaang nanguna sa hazing ceremony na nagresulta sa pagkamatay Castillo.

Alinsunod sa utos ng Department of Justice (DoJ), kabilang sa mga inilagay sa lookout list sina Arvin R. Balag, Mhin Wei Chan, Marc Anthony Ventura, Axel Mundo Hipe, Oliver John Audrey Onofre, Joshua Joriel Macabali, Jason Adolfo Robiños, Ralph Trangia, Ranie Rafael Santiago, Danielle Hans Mattew Rodrigo, Carl Mattew Villanueva, Aeron Salientes, Marcelino Bagtang, Zimon Padro, Jose Miguel Salamat, at John Paul Solano.