Ni: Celo Lagmay

MAAARING nilalaro lamang ako ng imahinasyon, subalit nakakintal sa aking utak ang mga agam-agam na ang walang pag-aatubiling deklarasyon ni Pangulong Duterte ng National Day of Protest ay tila hudyat ng paggapang ng martial law – mula sa Mindanao hanggang sa iba pang panig ng kapuluan. Kasabay ito ng kanyang mistulang paghikayat sa iba’t ibang sektor ng sambayanan, lalo na ng mga kritiko ng administrasyon, na lumahok sa inilatag na mga protest-rally laban sa sinasabing extrajudicial killing (EJKs) kaugnay ng pagpuksa ng illegal drugs, paglabag sa karapatang pantao at iba pang sistema ng pamamahala.

Katunayan, walang kagatul-gatol na binigyan ng Pangulo ang lahat ng pagkakataon at kaluwagan ang mga raliyista sa paghahayag ng kanilang mga protesta – kahit na saan at hanggang kailan. Katunayan, sinabi ng Pangulo na sila man ay magpoprotesta rin laban sa gobyerno dahil sa kaliitan ng kanilang sinasahod at kawalan ng mga allowances.

Subalit hindi ko ikinabigla ang pahiwatig ng Pangulo: “This is the only thing I ask of you – Do not destroy, vandalize, burn things down.” Kailan lamang, nagbabala siya na hindi siya mag-aatubiling magdeklara ng martial law sa buong bansa kung magkakaroon ng open rebellion sa mga lansangan.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Bukod sa mga pahiwatig ng Pangulo hinggil sa deklarasyon ng batas militar, hindi napapawi ang mga pangamba hinggil sa naturang isyu. Si dating Senador Juan Ponce Enrile, halimbawa, ay nagpahayag ng pagkatig sa pagpapairal ng martial law. Malaki ang problemang kinakaharap ngayon ng Duterte administration kaysa noong panahon ni Marcos nang siya ang administrador ng martial law. Totoong hindi biro ang paghahasik ng karahasan ng Abu Sayyaf, New People’s Army,

Islamic State of Iraq and Syria sa Mindanao, at iba.

Maging sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at National Security Adviser Hermogenes Esperon ay may mga pahiwatig tungkol sa posibleng pagpapairal ng martial law, kung kinakailangan upang mapanatili ang katahimikan laban sa mga mapanligalig. Natitiyak ko na ang pagpapatupad ng martial law ay lubhang kailangan sa paglutas ng mga problema na gumigiyagis sa lipunan, lalo na ang kasumpa-sumpang illegal drugs.

Gayunman, hindi maiaalis na nakakikilabot ang deklarasyon ng martial law, lalo na nga kung ito ay mangangahulugan ng kamatayan... ng demokrasya at pagsikil sa lahat ng ating mga karapatan. Sa bahaging ito, nanariwa sa aking gunita ang deklarasyon ng martial law noong panahon ng diktadurya; kinandaduhan ang lahat ng peryodiko, radyo at telebisyon.

Nalumpo ang press freedom at nanatili tayong jobless.

Maulit kaya ang ganitong nakapanlulumong sitwasyon dahil sa pinangangambahang paggapang ng martial law?