Ni: Gilbert Espena

TATANGKAIN ni WBC Youth Intercontinental lightweight champion Romeo Duno ng Pilipinas na makapasok sa world rankings sa pagkasa kay dating world rated Juan Pablo Sanchez ng Mexico sa kanilang sagupaan sa Linggo sa Forum, Inglewood, California sa United States.

Sumikat si Duno sa Amerika nang patulugin niya sa 2nd round ang pinatatanyag ni Golden Boy Promotions owner Oscar dela Hoya na dating walang talong si Mexican American Christian Gonzalez noong nakaraang Marso 10.

Bago bumalik para magkampanya sa US, pinatulog ni Duno sa 2nd round ang kababayang si Jason Tinampay sa sagupaan sa South Cotabato kaya umaasang mananalo rin via stoppage sa beteranong si Sanchez na dating WBC Mundo Hispanic lightweight at WBC International Silver super featherweight titlist.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

May rekord si Sanchez na 30-13-0 na may 14 panalo sa knockouts kumpara kay Duno na may 14 panalo, 1 talo na may 13 pagwawagi sa knockouts.