Ni: Marivic Awitan

INANGKIN ng defending champion National University ang solong pamumuno at hinatak ang hawak na winning record hanggang 51laro matapos ang 95-65 panalo kontra University of Santo Tomas kahapon sa pagpapatuloy ng UAAP Season 80 women’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Rumatsada ang Lady Bulldogs sa second half at na-outscore ang Tigresses, 54-27,para makamit ang panalo, ikatlong sunod ngayong season.

Umiskor si Trixie Antiquera ng 27 puntos, kasunod si Jack Daniel Anmam na may 23 puntos at 18 rebounds at si Ria Nabalan na may 17 puntos, 11 rebounds at siyam na assists para sa NU.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Bunga ng kabiguan, bumaba ang Tigresses sa four-way tie sa second spot kasama ng Far Eastern University, University of the East at Ateneo taglay ang markang 2-1.

Sa isa pang laro, nakapasok na rin sa winning column ang Adamson University, sa pangunguna ni Nathalia Prado na nagsalansan ng 26 puntos nang dagitin ang De La Salle, 88-84.

Ang kabiguan ang ikatlong sunod ng Lady Archers sa loob din ng kasindaming laro.