Ni REGGEE BONOAN

TOTOO nga ang mga naririnig naming komento na ‘suicide’ ang pagtapat ng GMA-7 sa programa ni Marian Rivera sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Marian copy copy

Gusto na lang naming isiping iniligtas ni Marian ang programa ng asawang si Dingdong Dantes dahil lagi itong natatambakan ng lamang sa ratings game ng aksiyon-serye ni Coco.

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

Galing na rin mismo sa AGB Nielsen na mas pinaniniwalaan ng Kapuso Network, nagtamo ang programa ni Marian ng 9.5% vs 12.4% ng Probinsyano.

Mahigit sa kalahati naman ang itinala sa survey data ng Kantar Media: 43.2% saProbinsyano vs 18.7% Super Ma’am nationwide at sa rural ay nakakuha ng 47.7% FPJAP at 17.4% ang SM.

Sa magkahiwalay na panayam kina Marian at Dingdong, sinabi nila na hindi sila nagpapa-pressure sa ratings game dahil trabaho lang daw iyon at okay naman sila ng mga artistang nakakatapat nila sa kabilang TV network.

Tama rin naman dahil kung parating iisipin ng magkabilang panig ang ratings nila, e, mai-stress lang sila. Pero sabi nga, importante ito sa network dahil dito ibinabase ng advertisers ang programang paglalagyan nila ng ads.

Ilang programa na ba ang tumapat sa FPJ’s Ang Probinsyano?

Sa susunod na linggo ay ang The Good Son na ang mapapanood kapalit ng A Love To Last, ano kaya ang ipangtatapat ng GMA-7 dito?