Ni: Genalyn D. Kabiling

Isinara ni Senador Antonio Trillanes IV ang ilang bank account sa ibang bansa ngunit maaari pa ring mahuli ang mga deposito sa tulong ng Anti-Money Laundering Council (AMLC), ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ibinunyag ng Pangulo na sinimulang ilipat ni Trillanes ang mga pondo sa mga account ng kanyang mga partner matapos pumutok ang mga alegasyon sa mga nakaw na yaman nitong unang bahagi ng buwan.

Gayunman, ang mga transaksiyong ito sa bangko ni Trillanes, ay lalabas pa rin sa mga record ng AMLC, anang Duterte.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“As of yesterday, I think you have -- has been moving funds to his partners’ accounts starting September 8,” anang Pangulo sa panayam ng PTV-4 television.

“Gi-close account mo ito that is why Singapore will not give him a certificate because he is not a client anymore.

That is why AMLC must start producing certificates of existence of their counterparts ASAP,” dugtong niya.

Sinabi ni Duterte na isang banyagang gobyerno ang nagbigay sa kanya ng impormasyon kaugnay sa mga bank deposit ni Trillanes bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa money laundering sa gitna ng mga banta ng illegal drugs at terorismo. Tumanggi siyang pangalanan ang foreign government ngunit sinabing galit ito kay Trillanes.

“Sabi ng foreign government, nagbigay nito -- September pa, pabalik-balik ka na sa Singapore banks. ‘Yung ibang bank account mo sa Hong Kong, gi-close mo,” anang Pangulo kay Trillanes.