Ni: Mary Ann Santiago

Bangkay na nang madiskubre ang isang professor sa loob ng banyo sa bahay nito sa Sampaloc, Maynila kamakalawa.

Nakaupo pa sa inidoro si Ruel Rodil, 47, professor ng Arellano University at residente ng 1317 Room 201 Jhocson Street, kanto ng Lardizabal St., sa Sampaloc, nang matagpuang patay bandang 2:30 ng hapon.

Sa imbestigasyon ni PO3 Joel Jasareno, ng Manila Police District-Crimes Against Persons Investigation Section (MPD-CAPIS), huling nakitang buhay ang biktima ng kanyang kasamahan sa trabaho, si Eugene Dayag, dakong 9:00 ng gabi noong Setyembre 16.

Metro

Lagot! BFP, iniimbestigahan mga nandekwat umano ng alak sa nasunog na supermarket sa QC

Nitong Lunes, Setyembre 18, ay nagtaka umano si Dayag kung bakit hindi pumasok ang biktima.

Dahil dito, pagsapit ng 2:00 ng hapon ay nagpasya si Dayag na puntahan ng biktima, ngunit sa kabila nang paulit-ulit niyang pagkatok sa pinto ay hindi siya nito pinagbubuksan.

Agad humingi ng tulong si Dayag sa landlady ng biktima, at sa tulong ng mga barangay tanod ay sumilip sila sa loob ng silid at nakita ang mga paa ng biktima na hindi gumagalaw.

Sa pagbukas nila ng pinto ay bumulaga ang bangkay ng biktima.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.