Inatasan ng mga mahistrado ng Supreme Court si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno na magkomento, sa loob ng limang araw, kaugnay sa kahilingan ni Atty. Lorenzo Gadon na bigyan siya nito ng kopya ng mga resulta ng kanyang psychological at psychiatric test.

Sa deliberasyon kahapon ng Supreme Court en banc, inatasan din ng mga mahistrado ang Judicial Bar Council (JBC) na magkomento sa parehong isyu. Si Sereno ang ex-officio chairman ng JBC.

Si Gadon ang naghain ng impeachment complaint sa Kongreso laban kay Sereno. Nakasaad sa kanyang reklamo na nagawa ni Sereno ang mga impeachable offense nang dahil sa “mental disorder” nito.

Dumulog si Gadon sa JBC upang humingi ng kopya ng nasabing mga dokumento subalit nabigo. Iginiit niya sa kanyang apela sa SC en banc na hindi sakop ng confidentiality rule ang psychiatric test ni Sereno na kinuha nito bilang aplikante sa pagka-punong mahistrado. - Beth Camia

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC