Ipinasa ng House Committee on Transportation na pinamumunuan ni Catanduanes Rep. Cesar Sarmiento ang panukalang pagkalooban ng special protection ng mga batang pasahero.

Nakasaad sa “Child Safety in Motor Vehicles Act of 2017”, inakda ni BUHAY party-list Rep. Mariano Michael Velarde, na patakaran ng estado na matiyak ang kaligtasan ng mga bata habang sila ay nasa loob ng sasakyan.

Binanggit ni Velarde na sa Philippine Seat-belt Law o Republic Act No. 8750, ipinag-uutos ang pagsuot ng seat belts sa harap at huling upuan ng mga pribadong sasakyan, “but the law does not require the use of child restraints or child restraint devices for young children on board.” - Bert De Guzman

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?