UNITED NATIONS (AFP) – Nanindigan si French President Emmanuel Macron nitong Martes na hindi magbabago ang makasaysayang kasunduan sa Iran at climate change sa pasimple niyang pagkontra kay U.S. President Donald Trump.

Nagtalumpati si Macron, tulad ni Trump, sa unang pagkakaton sa taunang pagtitipon ng mga lider ng mundo sa United Nations, ngunit magkaiba sila ng tono.

Ibinuhos ni Trump ang kanyang talumpati sa General Assembly sa pagkondena sa Iran, tinawag ang seven-nation agreement sa nuclear program ng Tehran na isinulong ni dating President Barack Obama na ‘’embarrassment to the United States.’’

Ngunit sinabi ni Macron na ang kasunduan noong 2015 -- ng Tehran at lima pang permanent members ng UN Security Council kasama ang Germany – ay ‘’solid, robust agreement that verifies that Iran will not build a nuclear weapon.’’

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

‘’To reject it now without proposing anything else would be a grave error, and not respecting it would be irresponsible,’’ anang Macron sa assembly.

Umalma ang mundo nang ipahayag ni Trump na kakalas ang United States sa Paris climate accord. Sinabi ni Macron nitong Martes na ‘’the door will be open’’ para sa pagbabalik ng United States sa kasunduan na sinelyuhan sa French capital ngunit nangakong: ‘’This agreement will not be renegotiated.’’

Sinabi ni Macron na hindi matatakasan ang mga epekto ng climate change.

‘’Unraveling this accord would be to destroy a pact between nations and generations,’’ aniya, na umani ng palakpakan sa assembly.

“We will continue, with all of the governments, local administrations, cities, businesses, NGOs and citizens of the world to implement the Paris agreement,’’ diin ni Macron.