Hindi naghahangad ng special treatment si Pangulong Duterte sa kanyang mga paglalakbay at umaasang tutularan ng mga mambabatas ang simple niyang pamumuhay, ipinahayag kahapon ng Malacañang.

Pinaalalahanan ni Presidential Spokesman Ernesto Abella ang mga opisyal ng gobyerno na sumunod sa batas-trapiko kasunod ng kontrobersiyal na panukala ni Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas na pagkalooban ng immunity ang mga kongresista sa traffic violations.

Una nang sinabi ni Fariñas na ang hindi paghuli sa mga mambabatas dahil sa paglabag sa batas-trapiko ay makaaabala sa kanilang trabaho.

“The President himself continues to observe a modest lifestyle and he seeks no special treatment whether inside or outside the Palace. We hope our colleagues in Congress especially allies can bring themselves to do the same,” sabi ni Abella sa isang Palace news conference.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Ipinagdiinan ni Abella na ang batas-trapiko ay para sa lahat, kabilang ang mga mambabatas.

“Let me repeat, we hope our colleagues in congress and allies can bring themselves to the President’s standards. No special treatment,” aniya. - Genalyn D. Kabiling